Heavy rainfall warning, nakataas sa Bulacan, Rizal at Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo December 13, 2016 - 09:51 AM

Yellow Rainfall Warning

(UPDATE) Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa lalawigan ng Quezon, Rizal at Bulacan dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Low Pressure Area (LPA).

Sa abiso ng PAGASA, yellow rainfall warning ang umiiral sa tatlong lalawigan at may posibilidad ng pagbaha sa mabababang lugar.

Samantala, light hanggang moderate rains naman ang naka-aapekto sa Metro Manila, Bataan, Pampanga, Cavite, Laguna at Batangas na tatagal sa susunod na tatlong oras.

Mamayang alas tres ng hapon ay muling maglalabas ng rainfall warning ang PAGASA.

Ang binabantayang LPA ng PAGASA ay huling namataan sa bisinidad ng San Juan, Batangas..

TAGS: LPA, Pagasa, Philippine weather, Quezon, Rizal, weather, yellow rainfall warning, LPA, Pagasa, Philippine weather, Quezon, Rizal, weather, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.