Matapos ang big-time oil price hike, presyo ng gasolina nasa P42 na kada litro; mahigit P30 naman ang presyo ng diesel
Matapos ang ipinatupad ng big-time oil price hike ng mga kumpanya ng langis ngayong umaga, pumalo na sa hanggang mahigit P42 ang presyo ng kada litro ng gasolina at mahigit P30 naman ang kada litro ng diesel.
Sa isinagawang monitoring ng Radyo Inquirer, sa Wack Wack, Shaw Boulevard sa Mandaluyong City, ang presyo ng gasolina ng Petron ay P41.90 hanggang P42.40 depende sa klase at P30.15 naman ang kada litro ng diesel.
Pareho din ang halaga ng produkto ng kumpanyang Shell sa nasabi ring lugar.
Samantala, ang branch naman ng Unioil sa bahagi ng Shaw Boulevard kanto ng Nueve de Pebrero, P41.45 ang presyo ng kada litro ng gasolina at P29.45 naman ang kada litro ng diesel.
Mas mura naman ang presyo sa Total gas station sa Shaw Boulevard kanto ng Lawson Street, dahil P34.75 lamang ang kada litro ng gasolina at P29.80 ang kada litro ng diesel.
Samantala, sa Quezon City, ang branch ng Caltex sa Congressional Avenue, P43.55 hanggang P44.60 ang kada litro ng gasolina depende sa klase at P30.65 ang kada litro ng diesel.
Pareho din ang presyo sa branch ng Shell at Petron sa Congressional Avenue.
Ang presyo naman ng Jetti gasoline station sa Mindanao Avenue, P41.95 hanggang P42.95 ang presyo ng kada litro gasolina at P29.20 naman ang kada litro ng diesel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.