Bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan, nadagdagan pa

soudelorTumaas pa ang bilang ng mga pasahero ang stranded sa mga pantalan sa ilang mga lalawigan dahil sa epekto ng Bagyong Hanna.

Batay datos ng Philippine Coast Guard, umakyat na sa 348 na pasahero ang hindi makaalis ng mga pantalan na dahil sa lakas ng alon.

Ang pantalan sa Maasin, Leyte ang may pinakamaraming stranded na pasahero sa bilang na 132 katao.

Nasa 49 na pasahero naman ang stranded sa Matnog Sorsogon, 42 sa Camarines Sur, at 40 naman sa Bacolod at San Jose Buenavista.

Ang mga stranded na biyahero ay mga pasahero ng 22 na barko at 11 bangkang de motor na hindi pinayagan ng PCG na makapaglayag dahil sa maalon na karagatan dulot ng Bagyong Hanna./Jong Manlapaz

Read more...