2 BI deputy commissioners na huling tumanggap ng suhol: “Na-frame up kami”

Photo from BI
Photo from BI

Frame-up o set-up ang depensa ng dalawang bagong appoint na deputy commissioners ng Bureau of Immigration (BI) na huli sa CCTV camera na tumanggap ng P50 milyon suhol mula sa umano ay bagman ng online gambling tycoon na si Jack Lam.

Ayon kay Department of Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, nakausap niya kahapon sina Al Argosino at Mike Robles na nagtungo sa kaniyang tanggapan para ihain ang kanilang 30-days na leave of absence.

Sinabi ni Aguirre sa panayam ng Radyo Inquirer na ikinatwiran nina Argosino at Robles na biktima lang sila ng frame-up.

Ngayong araw ay nakatakda din umano na magsampa ng kaso ang dalawa laban sa mga nasa likod ng pag-frame up sa kanila.

“Nakausap ko ang dalawang commissioners framed-up daw sila, magsasampa daw sila ng kaso ngayon sa maraming iba pang involved,” ani Aguirre.

Kabilang umano sa ikinanta ng dalawang opisyal ay si Acting BI Intelligence Chief Police Director Charles Calima Jr.

Sa kabila ng pangangatwiran ng dalawa, sinabi ni Aguirre na irerekomenda na niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na agad sibakin sa pwesto sina Robles at Argosino.

Read more...