Klase sa lalawigan ng Cavite, sinuspinde ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo December 13, 2016 - 06:40 AM

walang pasokDahil sa magdamag na pag-ulan, sinusupinde na ang klase sa buong lalawigan ng Cavite.

Sa abiso ni Cavite Governor Boying Remulla, sinuspinde nito ang klase sa lalawigan para sa lahat ng antas.

Ayon kay Remulla, ito ay para maging ligtas ang mga estudyante lalo pa at mula madaling araw ng Martes ay malakas na ang buhos ng ulan sa lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA alas 3:00 ng madaling araw, kabilang ang Cavite sa nakararanas ng malakas na buhos ng ulan.

Pero sa update na inilabas ng PAGASA alas 6:00 ng umaga, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na lamang ang nararanasa sa nasabing lalawigan, kasama ang Metro Manila, Quezon, Bulacan, Batangas at Pampanga.

 

TAGS: class suspension, Pagasa, Philippine weather, walang pasok, weather, class suspension, Pagasa, Philippine weather, walang pasok, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.