Pagtanggap umano ng P50-M ng dalawang BI officials, ‘caught on camera’

 

Aie Balagtas See/Inquirer

May pruweba umanong video footage ang pagtanggap umano ng 50 milyong piso ng dalawang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) mula sa padrino ni online gambling tycoon na si Jack Lam.

Ayon sa ipinakitang mga CCTV footage ng source ng Inquirer mula sa DOJ na kuha mula sa isang casino sa Parañaque Ciy, makikita ang pagtanggap ng dalawang opisyal ng BI ng limang paper bag mula kay Wally Sombero, isang dating pulis na konektado umano kay Lam.

Ang limang paper bag ay naglalaman ng tig-sampung milyung piso na suhol umano ni Lam sa dalawang associate commissioner upang mapalusot ang nasa mahigit isanlibong Chinese na manggagawa na nahuli kamakailan na nagtatrabaho sa casino ni Lam.

Sa naturang video na kuha noong Nov. 26 at 27, makikita si Sombero na kasama sina Michael Robles at Al Argosino na may dalang dalawang paper bag.

Makalipas ang ilang oras, muling bumalik si Sombero at nagdala pa ng tatlong paper bag na umano’y naglalaman ng 30 milyon na tinanggap ng dalawa bago tuluyang umalis.

Sa kasalukuyan, nag-leave na sa kanilang trabaho ang dalawang BI officials.

Ang dalawa ay mga kapwa fraternity brothers umano ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...