Publiko, hinimok ni Pangulong Duterte na isumbong ang nalalamang katiwalian

By Kabie Aenlle December 13, 2016 - 04:31 AM

bribesHinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na isumbong agad ang anumang uri ng katiwalian sa mga ahensya ng gobyerno na kanilang na lalaman sa pamamagitan ng pagiiwan ng anonymous tips sa mga hotlines ng pamahalaan.

Ayon kay Pangulong Duterte, kailangang tumulong ng publiko at kailangang isumbong nila ang mga iligal na aktibidad, sa pamamagitan ng pagtawag sa 8888 hotline na bukas 24/7, o kaya ilapit sa state network na PTV4.

Matatandaang inilunsad ng Malacañang ang 8888 hotline noong Agusto para may maisumbong ng mga tao ang mga tiwaling opisyal at hindi magandang serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno.

Ani Duterte, kailangan lang nilang ibigay ang kanilang statement at hindi naman nila kailangang sabihin pa ang kanilang pangalan.

Nais lang aniya niyang ipaalam sa kaniya ng mga tao kung mayroong anumang hindi magandang nagaganap sa kaniyang mga ahensya at kagawaran.

Pinayuhan niya pa ang mga tatawag na gumamit ng bagong sim cards upang hindi ma-trace ang tawag nila.

Aminado naman si Duterte na mahirap solusyunan ang katiwalian, at maging sa ibang mga bansa ay namamayagpag pa rin ang problemang ito sa kabila ng kanilang pag-unlad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.