LPA inaasahang malulusaw na sa loob ng 1 hanggang 2 araw

By Kabie Aenlle December 13, 2016 - 12:13 AM

 

weather dec13Hindi na inaasahan pang lalakas at maging bagyo ang binabantayang low pressure area sa bansa na nagbibigay ng katamtaman hanggang malakas na ulan sa Bicol.

Ayon kasi sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang malulusaw na ang naturang low pressure area sa loob ng isa hanggang dalawang araw.

Huling namataan ang low pressure area sa bisinidad ng Buenavista, Quezon, ayon sa 5pm weather forecast ng PAGASA.

Ayon pa sa PAGASA, makakaranas ng maulap na papawirin na may kasamang katamtaman hanggang paminsan-minsang malakas na pag-ulan na posibleng mag-resulta ng landslides at flashfloods ang mga lalawigan ng Quezon at Camarines Norte.

Maulap na kalangitan naman na may kasamang mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, iba pang bahagi ng Bicol Region, Calabarzon, Northern Samar, Cagayan, Isabela, Aurora, Marinduque, Romblon at Mindoro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.