2 BI officials na sangkot sa Jak Lam 50-M bribe issue, kusang nagbakasyon
Kusang-loob na nagbakasyon ang dalawang deputy commissioner ng Bureau of Immigration na sinasabing tumanggap ng 50 milyong piso na suhol mula sa casino owner na si Jack Lam.
Nagfile ng 30-day leave of absence effective kahapon sina Al Argosino at Mike Robles sa tanggapan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ngayong hapon.
Layon nito na bigyan ng kalayaan ang mga imbestigador ng DOJ na magsagawa ng pagsisiyasat sa kanila.
Sinabi pa ng dalawang opisyal ng BI sa kanilang liham na suportado nila ang kampanya kontra sa katiwalian ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sina Argosino at Robles ang sinasabing humingi ng dagdag na 100 milyong piso sa 50 milyon na nauna nang nakuha ng mga ito mula kay Lam kapalit ng pagpapalaya sa mga empleyado nito sa Fontana Leisure park na inaresto ng BI dahil pawang walang mga employment visa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.