2 bihag na Indonesians ng Abu Sayyaf Group, pinalaya sa Sulu

INDONESIAN KIDNAP
Joint Task Force Sulu photo

Pinalaya na ang dalawang bihag na Indonesian nationals ng Abu Sayyaf group sa lalawigan ng Sulu.

Ayon kay Capt. Jayson Mararac, Communication Officer ng Joint Task Force Sulu, nakilala ang mga pinalayang bihag na sina Mohammad Nazir, 62 anyos at Robin Piter, 32 anyos.

Sinabi ni Mararac na ibinigay ng Abu Sayyaf ang mga ito sa Moro National Liberation Front na nakabase sa Indanan, Sulu bago dinala sa bahay ni dating Sulu Governor Sakur Tan sa Jolo bago magtanghali kanina.

Kaagad din namang itinurn-over sa Joint Task Force Sulu sa Camp Teodolfo Bautista ang mga pinalayang bihag kung saan ito isinailalaim sa medical check-up.

Sinabi ni Col. Jesus Manangquil Jr., JTFS Commander, na ang dalawa ang natitira na lamang sa mga bihag na kasama ng pitong dinukot na mangingisda ng ASG na crew ng T/B Charles 00 noong June 22, 2016 sa karagatang malapit sa Simisa Island sa Sulu.

Dinala na sa Western Mindanao Command sa Zamboanga City ang mga pinalayang bihag saka iturn over sa Indonesian authorities.

Read more...