Hindi pagbaba sa pwesto ni Licuanan, isusumbong kay Duterte ng CHED officials

By Dona Dominguez-Cargullo December 12, 2016 - 12:39 PM

Inquirer File Photo
Inquirer File Photo

Umapela ang mga opisyal ng Commission on Higher Education (CHED) kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng officer-in-charge sa CHED kapalit ni chairperson Patricia Licuanan.

Ito ay matapos manindigan umano si Licuanan na manatili sa pwesto kahit pa pinagbitiw na ito ng pangulo.

Sa liham na nakatakdang ipadala kay Duterte, sinabi ni CHED executive director Julito Vitriolo na dapat mayroong OIC sa ahensya.

Hiniling din kay Duterte na payagan ang sinomang itatalagang OIC na katawanin ang CHED sa mga cabinet meeting upang matugunan ng mas maayos ang mga usapin sa higher education.

Nanindigan si Licuanan na hindi magbitiw sa kaniyang pwesto.

Taong 2010 pa nang maupo sa CHED si Licuanan at mayroon itong fixed term na sa July 2018 pa nakatakdang mapaso.

Kanina, nagwalk-out pa si Vitriolo sa national directorate meeting ng CHED matapos kwestyunin ang pagiging lehitimo ng pagmumuno ni Licuanan sa pulong.

Ang manifesto na isusumite kay Duterte ay nilagdaan ni Vitriolo at 16 na iba pang opisyal ng CHED.

Hinihiling din nilang punan na ang tatlong bakanteng pwesto bilang CHED commissioners.

 

TAGS: CHED, Jose Vitriolo, Patricia Licuanan, CHED, Jose Vitriolo, Patricia Licuanan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.