Dating DA Usec. Jocjoc Bolante, abswelto sa kasong plunder kaugnay sa fertilizer fund scam
Inabswelto ng Sandiganbayan si dating Agriculture Undersecretary Jocjoc Bolante sa plunder case nito kaugnay sa P723 million fertilizer fund scam.
Sa pasya ng anti-graft court, bigo umano ang prosekusyon na maglabas ng matitibay na ebidensya na magsasangkot kay Bolante sa naturang anomalya.
Dagdag pa ng Sandiganbayan, ibinasura ang kasong plunder kay Bolante kahit pa nabigyan ng tsansa ang prosekusyon na amyendahan ang case information.
Noong Agosto, matatandaan na nagsumite ang prosekusyon ng 20-page judicial affidavit ng whistleblower na si Joser Barredo.
Sa testimonya ni Barredo, siya umano ang runner sa fertilizer fund scandal, pero ayon sa Sandiganbayan, walang substantial o walang laman ito.
Bagaman key player si Bolante sa fertilizer fund scam, sinabi ng anti-graft court na walang patunay na nakakulimbat siya ng ill-gotten wealth.
Dahil dito, lahat ng mga mosyon na inihain ng akusado ay pinagbigyan ng Sandiganbayan, at ang information laban kay Bolante ay ibinabasura na dahil sa kawalan ng probable cause.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.