NCRPO at BJMP nagsagawa ng Oplan Galugad sa Camp Bagong Diwa

By Dona Dominguez-Cargullo December 12, 2016 - 11:39 AM

Inquirer Photo | Marianne Bermudez
Inquirer Photo | Marianne Bermudez

Nagkasa ng sorpresang one-time-big-time ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Tinarget ng raiding team ang Special Intensive Care Area (SICA) ng BJMP facility sa loob ng kampo.

Kasama ding nagsagawa ng raid ang mga tauhan ng Bureau of Immigration dahil may mga dayuhang nakakulong sa nasabing pasilidad.

Kabilang sa hinalughog ang detention 1 facility ng Metro Manila District Jail na nasa loob ng Camp Bagong Diwa kung saan may mga nasabat na kontrabando gaya ng mga tubo at dos por dos at iba pang ipinagbabawal na gamit.

May nakuha ding drug paraphernalias, pill box, cellphones at matatalim na bagay sa mga pinasok na selda.

Maging ang selda kung saan nakabilanggo ang mga dayuhan ay ginalugad din ng raiding team.

Ayon kay NCRPO spokesperson, Chief Inspector Kimberly Molitas, ikinasa ang Oplan Galugad matapos makatanggap ng report ang NCRPO na mayroong nagaganap na drug trade sa loob ng Camp Bagong Diwa.

Nasa 5,000 preso ang nasa Camp Bagong Diwa, at may mga personalidad na nakakulong sa nasabing bilangguan.

 

TAGS: BJMP, Camp Bagong Diwa, NCRPO, Oplan Galugad, Taguig City, BJMP, Camp Bagong Diwa, NCRPO, Oplan Galugad, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.