Sarangani, Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo December 12, 2016 - 07:59 AM

phivolcsNiyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental, Lunes (Dec. 12) ng madaling araw.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa 17 kilometers South ng Sarangani alas 2:37 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 15 kilometers.

Wala namang nai-record na intensity bunsod ng nasabing pagyanig, gayunman, nasundan ito ng aftershock.

Alas 4:51 ng umaga kanina nang maitala ng Phivolcs ang magnitude 2.8 na pagyanig sa nasabi ring bayan.

Naitala ang afterschock sa 68 kilometers South ng Sarangani.

Wala namang inaasahang pinsala ang Phivolcs sa dalawang magkasunod na lindol.

TAGS: Davao Occidental, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Sarangani, Davao Occidental, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Sarangani

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.