Ito ay kaugnay sa pahayag ni Vice President Binay na malakas aniya ang kapit ng partido ni Pangulong Aquino sa kapangyarihan, at balak ng administrasyon na buwagin ang judiciary at Office of the Vice President para magtatag ng diktadura sa bansa.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, katulad ng kaniyang mga magulang, si Pangulong Aquino ay nasa panig ng demokrasya kung saan ang kapangyarihan ay isinasalin ng kasalukuyang administrasyon patungo sa susunod sa pamamagitan ng maayos at tapat na halalan.
Dagdag ni Coloma, sinusuportahan pa nga ng kasalukuyang administrasyon ang mga inisyatibang pinangungunahan ng Korte Suprema para mas patibayin ang hudikatura ng bansa tulad na lamang ng correction system na bahagi ng sistema ng batas.
Hinihingi lang rin aniya ng Pangulo na patuloy na suportahan ng mga mamamayan ang mga repormang kaniyang sinimulan mula sa tapat at mabuting pamamahala./Kathleen Betina Aenlle