Palasyo itinangging may may balak ang Malacanang na magpatupad ng diktadura

August 08, 2015 - 07:29 PM

Herminio-Coloma-1211Mariing pinabulaanan ng palasyo ang akusasyon sa kanila ni Vice President Jejomar Binay ukol sa sinasabi niyang kagustuhan ng Malacanang na pairalin ang diktadura.

Ito ay kaugnay sa pahayag ni Vice President Binay na malakas aniya ang kapit ng partido ni Pangulong Aquino sa kapangyarihan, at balak ng administrasyon na buwagin ang judiciary at Office of the Vice President para magtatag ng diktadura sa bansa.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, katulad ng kaniyang mga magulang, si Pangulong Aquino ay nasa panig ng demokrasya kung saan ang kapangyarihan ay isinasalin ng kasalukuyang administrasyon patungo sa susunod sa pamamagitan ng maayos at tapat na halalan.

Dagdag ni Coloma, sinusuportahan pa nga ng kasalukuyang administrasyon ang mga inisyatibang pinangungunahan ng Korte Suprema para mas patibayin ang hudikatura ng bansa tulad na lamang ng correction system na bahagi ng sistema ng batas.

Hinihingi lang rin aniya ng Pangulo na patuloy na suportahan ng mga mamamayan ang mga repormang kaniyang sinimulan mula sa tapat at mabuting pamamahala./Kathleen Betina Aenlle

TAGS: Malacañang, sec sonny coloma, VP Binay, Malacañang, sec sonny coloma, VP Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.