Debate sa panukalang pag-buhay sa death penalty, itinakda na sa 2017

By Kabie Aenlle December 12, 2016 - 05:38 AM

death-penalty-0517Inanunsyo ni House Deputy Speaker Fredenil Castro na iniurong na nila sa susunod na taon ang diskusyon tungkol sa muling pagbuhay sa parusang bitay.

Ito aniya ay para magkaroon ng sapat na panahon, at maging masinsin ang debate ng mga mambabatas tungkol sa isyu na isa sa mga priority legislative measures ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Castro, siya ang responsable sa pag-usog ng diskusyon tungkol sa panukala dahil nais rin niyang paghandaan ang pag-depensa nito sa plenaryo.

Isa si Castro sa mga principal authors ng House Bill No. 1 na naglalayong ibalik ang capital punishment para sa mga heinous crimes, matapos itong buwagin ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo noong siya’y pangulo pa.

Giit ni Castro, kailangang maiparating at maipaunawa sa mga tao ang nasabing panukala, lalo na sa mga umaayaw dito dahil sa paniniwalang dapat respetuhin ang buhay.

Aniya pa, maaring maipasa ito sa Kamara kung magkakaroon lang ng araw-araw na debate para dito.

Sa ngayon ay mayroong 21 heinous crimes na naka-lista sa panukala na papatawan ng parusang bitay, na ayon kay Castro ay masyado pang kaunti.

Kabilang sa mga krimen na nasa panukala ay ang treason, qualified piracy, qualified bribery, parricide, murder, infanticide, rape, kidnapping and serious illegal detention, plunder at marami pang iba.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.