Mga opisyal ng BI na tumanggap umano ng pera mula kay Jack Lam, iimbestigahan ng NBI

By Kabie Aenlle December 12, 2016 - 05:36 AM

vitaliano-aguirreIniutos na ng Department of Justice sa National Bureau of Investigation na siyasatin ang mga ulat tungkol sa mga tiwaling senior immigration officials na umano’y nangikil ng pera mula sa gambling tycoon na si Jack Lam.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, ilang mga opisyal umano ng Bureau of Immigration ang tumanggap ng “massive payoffs” para sa pagpapalaya ng ilan sa 1,316 na Chinese nationals na naaresto dahil sa iligal na pagtatrabaho sa online casino ni Lam sa Fontana Leisure Parks and Casino sa Pampanga.

Wala aniya silang palalampasing detalye at wala rin silang sasantuhin sa imbestigasyon.

Tiniyak rin ni Aguirre na pananagutin nila ang mga responsable dito, dahil walang lugar ang katiwalian sa hanay ng DOJ.

Malinaw aniya ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa katiwalian, at tiniyak niyang susundin nila ang madnatong ito.

Una nang ibinunyag ni Aguirre ang tangka umano ng kinatawan ni Lam na si dating Senior Supt. Wally Sombrero na suhulan siya, pati na rin si Philippine Amusement and Gaming Corp. chair Andrea Domingo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.