Pres. Duterte, napakanta ng ‘Ikaw’ sa Belenismo sa Tarlac

PRRD ikawNapakanta ng ‘Ikaw’ si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdalo nito sa ika-siyam na Belenismo sa Tarlac ngayong araw ng Linggo.

Ginawa ang Belenismo sa Northern Luzon Command sa Camp Servillano Aquino, sa Tarlac City.

Sinabayan ni Pangulong Duterte sina Chad Borja, Eugene Villaluz at Ding Mercado sa pag-awit ng ‘Ikaw’, na nagpahiyaw sa mga audience kabilang na ang mga sundalo at kanilang mga kaanak.

Ang ‘Ikaw’ ay isa sa paboritong awitin ng punong ehekutibo.

Bago ito, binati ni Presidente Duterte ang mga sundalo ng maligayang Pasko at pinuri na rin sa magandang trabaho ng mga ito.

Aniya, kuntento siya sa ginagawa ng Armed Forces of the Philippines.

Kasabay nito, umaasa ang pangulo ng isang mapayapang Pasko lalo na sa Mindanao.

Read more...