National day of mourning, idineklara sa Turkey
Idineklara ng pamahalaan ng Turkey ang ‘national day of mourning’ kasunod ng dalawang pagpapasabog sa Istanbul na ikinamatay ng tatlumpu’t anim na katao, at ikinasugat sa 166 na indibidwal.
Sa isang statement mula sa opisina ni Prime Minister Binali Yildirim, ini-utos na ilagay sa half-staff ang mga bandila sa buong bansa at sa foreign missions ng Turkey.
Noong Sabado (December 10), umatake ang isang car bomber at suicide bomber malapit sa Istanbul Besiktas soccer stadium at isang parke.
Wala pang umaako ng pag-atake subalit nasa sampung suspek na ang naaresto.
Tinitingnan din ang anggulo na ang Kurdish militants ang may kagagawan ng pag-atake.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.