40 patay sa tanker accident sa Naivasha, Kenya

By Angellic Jordan December 11, 2016 - 01:45 PM

Kenya 01Umakyat na sa apatnapung indibidwal ang kumpirmadong patay matapos magka-salpukan ang isang fuel tanker at ilang sasakyan sa bayan ng Naivasha sa Kenya.

Sa inilabas na pahayag ni Pius Masai ng National Disaster Management Unit ng Kenya, ang salpukan ay nagresulta sa pagsabog ng naturang fuel tanker kung saan aabot sa labing isang sasakyan ang nasunog sa bahagi ng Nairobi-Naivasha road.

Ayon naman sa Red Cross, sanhi ng aksidente ang pagkawala ng kontrol ang drayber ng fuel tanker.

Inilarawan pa ng mga witness ang sunog na “fireball” at isang bangungot habang tinutupok at tumatakas ang mga pasahero sa loob ng mga sasakyan.

Nabigyan naman ng paunang lunas ang ilang sugatan ng mga sibilyan at Red Cross habang ang iba nama’y isinugod agad sa ospital.

Samantala, inaasahan pang madaragdagan ang bilang ng mga patay bunsod ng nationwide doctor’s strike sa bansa.

TAGS: Kenya, Kenya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.