VACC, pangungunahan ang people’s protest laban sa biyahe ni Sen. De Lima

By Isa Avendaño-Umali December 11, 2016 - 01:28 PM

vacc-vs-de-limaSusugod ang mga miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC at iba pang mga non-government organization o NGOs sa terminals 1 at 2 ng Ninoy Aquino International Airport ngayong hapon upang i-protesta ang pagbiyahe sa abroad ni Senadora Leila de Lima.

Aalis ng bansa si De Lima para magtungo sa Estados Unidos at Germany.

Sa advisory ng VACC, ang pagkilos ay ‘Protest of Victims of Illegal Drugs.’

Ayon sa grupo, sa halip na bumiyahe si De Lima, marapat na harapin na lamang nito ang mga kaso dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons o NBP, partikular noong panahong siya’y kalihim ng Department of Justice.

Matatandang naghain ang VACC ng reklamong drug trafficking laban kay De Lima sa Department of Justice, habang disbarment case sa Korte Suprema.

Nauna nang naglabas ng Allow Departure Order ang DOJ, na nagpapahintulot sa Senador na mangibang-bansa.

Si De Lima ay nakatakdang magpunta sa U.S at Berlin, Germany at inaasahang babalik sa bansa sa December 22, 2016.

TAGS: Senadora Leila De Lima, vacc, Senadora Leila De Lima, vacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.