2 bagyo, inaasahang papasok sa PAR bago matapos ang 2016 – PAGASA
Isa hanggang dalawang bagyo pa ang inaasahang papasok sa Pilipinas ngayong Disyembre, o bago magtapos ang taong 2016.
Pero ayon sa PAGASA, sa ngayon ay wala pa silang namomonitor na sama ng panahon.
Wala ring binabantayang low pressure area o LPA na papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Batay sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, nakaka-apekto ang thunderstorms sa ilang parte ng Bohol, Cebu, Negros Oriental, Camarines Norte, Catanduanes, Romblon at iba pang kalapit lugar.
Iiral naman ang northeast monsoon sa northern Luzon, na magdadala ng malakas na hangin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.