29 patay, 166 sugatan sa dalawang pagsabog sa Istanbul
UPDATE: Pumalo na sa dalawampu’t siyam na indibidwal ang nasawi habang isang daan at animnapu’t anim ang sugatan sa ‘twin blast’ sa Istanbul, Turkey, December 10 sa lugar.
Batay sa tala, dalawampu’t pito sa mga namatay ay mga pulis, habang dalawa ay sibilyan.
Nasa sampung suspek ang nadakip na ng mga otoridad, at kinulong dahil sa pambobomba.
Sa unang pag-atake, pinasabog ang isang car bomb sa labas ng Vodafone Arena football stadium sa may Bosphorus, matapos ang Super Lig match sa pagitan ng Besiktas at Bursaspos.
Ang sumunod na pagsabog ay malapit sa isang parke ay kagagawan ng isang suicide attacker.
Ayon kay Interior Minister Suleyman Soylu, target ng car bomb ang isang police bus.
Sinabi naman ni President Recep Tayyip Erdogan na intensyon ng mga pagsabog ang ‘maximum loss of life’ o pagkasawi ng maraming indibidwal.
Sa isang statement, inihayag ni Erdogan na muli na namang nasaksihan sa Istanbul ang ‘ugly face of terror’ na yumuyurak sa ‘value and morals.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.