15 patay, 69 sugatan sa dalawang pagsabog sa Istanbul

By Isa Avendaño-Umali December 11, 2016 - 08:47 AM

IstanbulPatay ang labing limang indibidwal habang animnapu’t siyam ang sugatan sa ‘twin blast’ sa Istanbul, Turkey kahapon (December 10).

Sa unang pag-atake, pinasabog ang isang car bomb sa labas ng football stadium sa may Bosphorus.

Ang sumunod na pagsabog ay malapit sa isang parke ay kagagawan ng isang suicide attacker.

Ayon kay Interior Minister Suleyman Soylu, target ng car bomb ang isang police bus.

Sinabi naman ni President Recep Tayyip Erdogan na intensyon ng mga pagsabog ang ‘maximum loss of life’ o pagkasawi ng maraming indibidwal.

Sa isang statement, inihayag ni Erdogan na muli na namang nasaksihan sa Istanbul ang ‘ugly face of terror’ na yumuyurak sa ‘value and morals.’

TAGS: Istanbul twin blast, Istanbul twin blast

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.