Rosanna Roces at partner na si Blessy Arias, ikinasal sa ikalawang pagkakataon

Litrato mula sa Instagram account ng @mymetrophoto
Litrato mula sa Instagram account ng @mymetrophoto

Kinasal muli ang dating sexy star na si Rosanna Roces sa kanyang partner na si Blessy Arias kahapon, December 10, 2016.

Ginanap ang kasal sa Alexa’s Secret Garden sa Antipolo City at officiated ni Reverend Cresencio Agbayani ng LGBT’s Christian Church.

Kabilang sa principal sponsors ay ang Superstar na si Nora Aunor.

Sa mga litrato na lumabas sa social media, nakusuot ng beige gown si Roces habang naka-tuxedo naman si Arias.

Nauna nang kinasal sina Roces at Arias sa Canada noong Setyembre.

Umani naman ng congratulatory messages ang dalawa mula sa kani-kanilang mga kaibigan at kaanak, maging sa mga netizen.

Nagkaroon na noon ng relasyon sina Roces at Arias, subalot nagkahiwalay nang mabuntis at maikasal ang dating sexy star kay Tito Molina.

Pagkalipas ng maramin taon ay nagkabalikan ang dalawa, kahit pa may mga batikos sa kanilang pagsasama.

Read more...