Comelec, striktong pinatutupad ang nakatakdang oras para sa voter registration

comelec logoPinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng Office of the Election Officers (OEO) na striktong pinatutupad ang mandated registration hours mula 8 am – 5 pm kaunay ng nagaganap na voter registration period.

Ito ay sa ilalim ng probisyon ng Republic Act 8189 o ang Voter Registration Act of 1996 kung saan nakalagay ang proseso na dapat sundin ng mga field offices sa loob ng nakatakdang time frame.

Ayon kay Election and Barangay Affairs Department Director Teopisto Elnas Jr., sa ilang pagkakataon tulad ng malaking bilang ng mga voter applicants maaring bumuno ng mekanismo ang OEO para mapabilis ang proseso ng aplikasyon at msiwasan ang pagkakaroon ng mahabang pila.

Bukod dito, kasama din sa mandato ng OEOs ang pagsasagawa ng information dissemination hanggang sa barangay level para sa early registration ng mga kwalipikadong magparehistro.

Muling namawagan si Comelec chairman Andres Bautista na huwag ng hintayin ang huling araw para magparehistro.

Hinikayat din niya ang mga voter applicants na samantalahin ang paparating na Yuletide break at magparehistr para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 23, 2017.

Magtatapos ang voter registration sa April 29, 2017 kung saan inaasahan ng Comelec ang karagdagang 3 milyong boto sa brangay election at 2 milyong boto naman na dagdag sa SK election.

 

 

 

Read more...