Subic Freeport traffic officer, arestado dahil sa droga

By Rod Lagusad December 11, 2016 - 05:20 AM

subic mapArestado ang isang traffic officer mula sa Subic Bay Freeport Zone kasama ang tatlong iba pa isinagawang police operation noong Biyernes.

Nakilala ang traffic investigator na mula sa Subic Bay Metropolitan Authority’s Law Enforcement Department na si Mark Louie Deliquiña, 34 taong gulang.

Nahuli sa akto si Deliquina at kanyang dalawang kasama na si Philip Dorongon, 30 years old, at Albert Castuera, 43 years old ay naaktuhang gumagamit na bawal na gamot sa loob ng bahay ng Aum  na matagal ng na naka-surveillance.

Ni-raid ng mga otoridad ang bahay ng pinaghihinalahang drug dealer na si Roberto Aum, 44 years old matapos itong magbenta ito ng sachet ng naglalamamng shabu ayon kay Jerry Abaigar, team leader ng City Anti-Illegal Drugs Special Operation Taskforce.

Narekober sa mga suspek ang apat na sachet na pinaghihinlaang naglalaman ng shabu at drug paraphernalia.

 

TAGS: drug paraphernalia, drugs, Subic, Subic Bay Freeport Zone, Subic Bay Metropolitan Authority’s Law Enforcement Department, drug paraphernalia, drugs, Subic, Subic Bay Freeport Zone, Subic Bay Metropolitan Authority’s Law Enforcement Department

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.