Star Hotshots wagi kontra Phoenix Fuel Masters

By Rod Lagusad December 11, 2016 - 05:15 AM

star-hotshots-logoPanalo ang Star Hotshots kontra Phoenix Fuel Masters sa iskor na 123-79, ito na ang pangalawang panalo ng koponan sa PBA Philippine Cup na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Gumanda ang standing ng koponan sa 2-2 matapos matalo sa unang dalawang laro nila liga.

Ayon kay Hotshots head coach Chito Victolero, na kasalukuyan ay kanilang ine-enjoy ang kanilang magandang ipinapakita ng team.

Dagdag pa ni Victolero ang defensive plan ng kanilang koponan ay mapigilang ang transistion offense ng Fuel Masters.

Ang naturang panalo ay kasunod ng kanilang panalo laban sa NLEX noong nakaraang Miyerkules kung saan nagtala sila ng iskor na 99-75

Pinangunahan ni Paul Lee at Allein Maliksi ang Star ng parehong may 18 points habang si PJ Simon na nakapagtala ng karagdagang 15 points.

TAGS: Allein Maliksi, Mall Of Asia Arena, Paul Lee, PBA Philippine Cup, Phoenix Fuel Masters, Star Hotshots, Allein Maliksi, Mall Of Asia Arena, Paul Lee, PBA Philippine Cup, Phoenix Fuel Masters, Star Hotshots

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.