Kulang ang listahan ng pinakasuhan ng DOJ ayon sa abogado ni Napoles

August 08, 2015 - 05:04 PM

pdaf1Sinabi ng kampo ng tinaguring Pork Barrel Scam Queen na si Janet Lim Napoles na kulang ang listahan na isinumite ng National Bureau of Investigation sa Office of the Ombudsman kaugnay sa third batch ng mga indibiduwal na sabit sa naturang anomalya.

Ayon kay Atty. Bruce Rivera, isa sa mga abogado ni Napoles, malinaw sa Napoles’ affidavit ang mga pangalan ng mga mambabatas na naka-transaksyon noon ng kanyang kliyente.

Kahapon ay isinumite na ng NBI sa Ombusdman ang mga pangalan ng ilang mga dati at kasaluyang mga mambabatas at miyembro ng gabinete ni Pangulong Aquino na sinasabing sabit sa pork scam.

Sa Napoles’ Affidavit na isinumite sa tanggapan ng Department of Justice ay sinabi ni Napoles na naka-deal nya ang ilang mga mambabatas na kinabibilangan nina Senators Loren Legarda, Bongbong Marcos, Cynthia VIllar, Tito Sotto, Alan Peter Cayetano at Budget Sec. Butch Abad.

Pero sa panayam kay Justice Sec. Leila de Lima, kanyang sinabi na final na ang third batch ng mga kakasuhan at hindi na sila magdaragdag pa ng mga pangalan sa isinumiteng listahan. / Den Macaranas

TAGS: Alan Peter Cayetano, butch abad, cynthia villar, Ferdinand Marcos Jr., loren legarda, PDAF, Vicente Sotto III, Alan Peter Cayetano, butch abad, cynthia villar, Ferdinand Marcos Jr., loren legarda, PDAF, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.