Pelikulang “La La Land”, inaasahang mangunguna sa nominasyon ng Golden Globes

By Rod Lagusad December 11, 2016 - 05:11 AM

Golden-Globes-logoIaanunsyo na ang mga nominado sa prestiyosong Golden Globes sa darating na Lunes, oras sa US kung saan inaasahan ng mga crtirics na ang musical film na “La La Land” ang mangunguna sa mga nominado na kasundo ang mga pelikulang “Moonlight” “Manchester by the Sea” at “Lion”.

Ang mga nagiging nominado sa naturang award giving body ay pinagdedesisyunan ng Hollywood Foreign Press Association (HFPA), isang grupo ng mg journalists.

Matatandaang naging kontrobesyal ang nasabing award giving body dahil sa naging pagkakakasama ng mga pelikulang “The Martian” at “Joy” sa comedy/musical category nito noong nakaraang taon.

Ayon naman sa awards prediction site na Gold Derby, na mangunguna ang “La La Land” ni Damien Chazelle na pawang isang musical at romantic comedy sa mga magiging nominado kung saan tampok sina Emma Stone at Ryan Gosling.

Kasama din mga pelikulang inaasahang hahakot ng nominasyon ay ang pelikulang “Moonlight” ni Barry Jenkins ay “Lion” ni Garth Davis.

Ilan pa sa mga inaasahang maging nomindao sa Golden Globes ay sina Denzel Washington para sa sa kanyang directorial debut sa pelikulang “Fences”, Emily Blunt para sa “The Girl on the Train”, Isabelle Huppert para sa “Elle”, Viola Davis para sa “Fences,  Ruth Negga para sa “Loving” at Natalie Portman para naman sa “Jackie”.

Gaganappin ang 74th Golden Globe Awards sa Beverly Hilton sa Beverly Hills sa January 8, 2017.

TAGS: Golden Globe Awards, Golden Globes, HFPA, Hollywood Foreign Press Association, La La Land, Lion, Manchester by the Sea, Moonlight, Golden Globe Awards, Golden Globes, HFPA, Hollywood Foreign Press Association, La La Land, Lion, Manchester by the Sea, Moonlight

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.