Base sa inisyal na impormasyon ng Radyo Inquirer, nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng 35th Infantry Batalion ng Philippine Army sa bisinidad ng Bud Taming, Brgy Kabbontakkas, Patikul, Sulu nang makasagupa ang nasa 150 miyembro ng bandidong grupo.
Nabatid na pinamumumuan ni ASG senior leader Radullan Sahiron ang nasabing mga bandido.
Tumagal ng isang oras at kwarenta y singko minuto ang bakbakan.
Sa kasagsagan ng palitan ng putok tumakas ang mga bandido patungong silangang direksyon dala ang mga sugatan nilang kasamahan.
Inaalam pa naman ng militar kung ilan ang nasawi at nasugatan sa panig ng mga bandidong Abu Sayyaf Group.