2 Immigration officials nasa hot water dahil sa umano’y pangingikil kay Jack Lam
Pagpapaliwanagin ng Bureau of Immigration ang kanilang dalawang associate commissioners ukol sa alegasyon na nangikil sila ng P50 Million mula sa gambling tycoon na si Jack Lam.
Ayon sa isang source, sinabi ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente na bibigyan niya ng pagkakataong magpaliwanag ang dalawa na nangikil umano kay Lam para sa pagpapalaya sa mahigit 1,000 Chinese nationals na naaresto sa Clark, Pampanga noong nakaraang linggo.
Nang hingin ang panig ng kawanihan ukol dito, sinabi ng tagapagsalita na si Antonette Mangrobang na hindi muna maglalabas ng pormal na pahayag ang B.I sa isyu.
Sina Michael Robles at Al Argosino ang mga Associate Commissioners ng ng ahensiya na itinalaga noong Agosto.
Ipinahayag ng Inquirer columnist Ramon Tulfo na dalawang Associate Commisioners ng B.I ang nangikil kay Lam.
Nauna dito ay iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre na sampahan ng mga kasong bribery at economic sabotage si Lam dahil sa pagpapatakbo ng Casino operations ng walang kaukulang mga permiso.
Sarado na sa kasalukuyan ang mga pasugalan ni Lam sa bansa na matatagpuan sa Fontana, sa Clark Field Pampanga at Fort Ilocandia sa Ilocos Norte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.