Hepe ng Albuera, Leyte PNP sinibak sa puwesto pero inilipat sa Ozamis City

By Rohanisa Abbas December 10, 2016 - 07:46 PM

Jovie Espenido
Inquirer file photo

Itinalaga si Chief Inspector Jovie Espenido sa Ozamiz City, Misamis Occidental mula sa kanyang dating posisyon bilang Chief of Police sa bayan ng  Albuera, Leyte.

Ani Espenido, epektibo ang kautusang ito simula pa noong December 8.

Matatandaang sinabi ng diumano’y drug lord na si Kerwin Espinosa na si Espenido ang nagpakilala sa kanya kay Senador Leila De Lima.

Gayunman, sinabi ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na binawi ni Kerwin ang mga akusasyon niya kay Espenido, ngunit pinabulaanan ng kampo ni Kerwin ang pahayag ng PNP Chief sa kanyang pagharap sa pagdinig ng Senado.

Sa nasabi ring pagdinig ay sinabi ng opisyal na handa siyang humarap sa imbestigasyon makaraang isabit ang kanyang pangalan sa illegal drug trade.

TAGS: albeura leyte, drugs, espenido, espinosa, PNP, albeura leyte, drugs, espenido, espinosa, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.