Pipigilin ng Volunteers Against Crime and Corruption si Senador Leila de Lima na makalabas ng bansa bukas.
Sinabi ni VACC Chairman Dante Jimenez na dapat manatili sa bansa si De Lima para harapin ang mga reklamong inihain laban sa kanya.
Aniya, ikinatatakot nila na hindi na bumalik sa bansa ang senador.
Ayon kay Lorenzo Gadon, legal counsel ng VACC, huli na nang malaman nila na aalis ng bansa ang senador kaya wala na silang nagawa.
Aniya, ang tanging legal na paraan lamang para mapigilan si De Lima ay hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang travel clearance na ibinagay sa mambabatas.
Naghain ng reklamong drug trafficking ang VACC laban kay De Lima sa Department of Justice at disbarment case sa Korte Suprema.
Sa kabila nito, naglabas ng Allow Departure Order ang DOJ na pinapayagan si De Lima na mangibang-bansa.
Si De Lima ay nakatakdang magpunta sa U.S at Berlin, Germany at inaasahang babalik sa bansa sa December 22 ayon sa kanyang naunang pahayag.