Abu Sayyaf leader na utak sa Samal kindnapping napatay sa Malaysia

By Den Macaranas December 10, 2016 - 05:21 PM

lahad_datuNapatay ng mga otoridad sa Malaysia ang si Abraham Hamid, an glider ng Abu Sayyaf Group na nasa likod ng Samal kindnapping noong September 2015.

Ang grupo ni Hamid ang nasa likod ng pagdukot sa mga Canadian nationals na sina Robert Hall at John Ridsdel, Norwegian na si Kjartan Sekkingstad at Pinay na si Maritess Flor sa Ocean View Resort, Camudmud Samal City.

Magugunitang pinugutan ng bandidong grupo sina Hall at Ridsdel makaraang mabigo ang Canadian government na magbayad ng ransom samantalang pinalaya naman sina Sekkingstad at Flor makaraan ang sinasabing negosasyon na ginawa ng gobyerno at ilang namagitan sa isyu.

Si Hamid kasama ang ilan sa kanyang mga tauhan ay nagtangkang mandukot ng mag dayuhan sa Lahad Datu sa Malaysia na isang kilalang lugar bilang diving site.

Sinabi ni Major Filemon Tan, Spokesman ng Western Mindanao Command na nahuli ng Malaysian authorities ang dalawang ASG members na kinilalang sina Samsung Aljan at Awal Hajal.

Hindi naman mabatid ng mga otoridad sa nasabing bansa kung ilang miyembro ng Abu Sayyaf ang napasama sa lumubog na speedboat ng mga ito.

TAGS: Abu Sayyaf, lahad datu, Malaysia, samal kidnapping, Abu Sayyaf, lahad datu, Malaysia, samal kidnapping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.