Maute Group naka-enkwentro ng MILF sa Maguindanao
Nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng mga tauhan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Maute Group sa Camp Cararao malapit sa boundary ng Buldon at Barira sa Maguindanao.
Sinabi ni Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) Spokesman at MILF Civil Military Affairs chief Von Alhaq na umaaboty sa 50 Maute Terror Group members ang kanilang naka-enkwentro ng mahigit sa isang oras kaninang madaling-araw.
Napilitan ding umatras ang bandidong grupo patungo sa lalawigan ng Lanao De Sur.
Sinabi ni Alhaq na tiyak nilang may mga napatay sa hanay ng Maute Group samantalang may mga sugatan naman sa kanilang hanay.
Nagpadala naman ng mga tauhan ang 6th Infantry Batallion ng Philippine Army sa lugar para matiyak ang maayos na kalagayan ng mga residente doon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.