Patrol boats at aircraft sa South China Sea, dadaong sa bansa

P3C-Orion
Inquirer file photo

Darating ang mga barko at eroplanong pandigma sa Pilipinas mula sa Guam at Japan na nagpapatrolya sa South China Sea.

Paglilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi maaaring gamitin ang bansa ng Estados Unidos bilang “staging point” sa South China Sea.

Kasalukuyang nasa administration stop ang naturang aircraft kasama ang P3 Orion surveillance planes na madalas nakikita sa Clack Air base sa Pampanga.

Aniya, dumaong ang mga naturang warhships at aircraft upang magdagdag ng suplay sa gasolina at pagkain.

Sa kabila nito, aminado naman si Lorenzana na nakakakuha ng benepisyo ang bansa mula sa isinasagawang navigation at kalayaang paglipad ng mga pandigmang pag-aari ng Amerika sa teritoryo ng bansa.

Siniguro rin si Lorenzana na nananatiling pangunahing pundasyon ng seguridad ng bansa ang alyansang Pilipinas at Amerika.

Gayunman, duda ito na hahayaan ang administrasyong Duterte na manatiling ang Amerika ang malayang makakapagikot bilang patrolya sa South China Sea.

Samantala, sinalubong ng isang welcome ceremony ang dumating na ikatlong frigate ng Philippine Navy na BRP Andress Bonifacio noong December 8 sa Pier 13, sa South Harbor matapos ang halos isang buwang paglalakbay.

Read more...