Planong kudeta hindi totoo ayon sa Liberal Party

By Den Macaranas December 10, 2016 - 09:09 AM

liberal-party
Inquirer file photo

Nilinaw ni Liberal Party President Sen.Francis Pangilinan na matagal nang naka-move on ang kanilang partido sa resulta ng nakalipas na eleksyon.

Ito umano ang dahilan kaya walang dapat ipag-alala ang  administrasyong Duterte kaugnay sa mga balitang balak nilang pangunahan ang pagpapatalsik sa kasalukuyang administrasyon.

Sinabi ni Pangilinan na batid nila sa kanilang partido na hindi magtatagumpay ang anumang planong pagpapa-alis ng pweston kay Duterte.

Hindi rin umano nagpag-uusapan sa anumang pulong ng LP ang plot para mapatalsik ang kasalukuyang pamahalaan.

Sinabi naman ni LP Sen. Franklin Drilon na iginagalang nila ang mandato ni Duterte bilang halal na lider ng bansa.

Nauna nang sinabi ng pangulo na mga kasapi ng LP sa pangunguna ni dating Sec. Mar Roxas ang nagtatangkang pabagsakin ang kanyang pamahalaan.

Umugong din ang balita na ang pagbabawal kay Vice President Leni Robredo na dumalo sa mga cabinet meeting ay bahagi ng hakbangin ng pamahalaan na harangin ang planong kudeta.

Dahil sa nasabing desisyon ng Malacañang ay nagbitiw si Robredo bilang miyembro ng gabinete kamakailan.

TAGS: duterte, liberal party, pangilinan, plot, roxas, duterte, liberal party, pangilinan, plot, roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.