Robredo: Wala akong ambisyon na maging pangulo ng bansa

Cayetano-Robredo
Inquirer file photo

Binuweltahan ni Vice-President Leni Robredo si Sen. Alan Cayetano sa pagsasabing wala siyang balak na maging pangulo ng bansa.

Ito ang sagot ni Robredo sa mga naging pahayag ni Cayetano na dapat ng tigilan ng pangalawang pangulo ang pangangampanya at huwag nang asintahin ang posisyon sa Malacañang.

Sinabi ni Robredo na hindi ibig sabihin na handa na niyang pamunuan at pag-isahin ang oposisyon ay aambisyunin na niya ang pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mahalaga rin ayon sa opisyal na dapat pakinggan ng pangulo ang sintemyento ng mga nasa kabilang panig ng bakod ng pulitika tulad ng oposisyon.

Ipinaliwanag rin ni Robredo na susuportahan pa rin niya ang kasalukuyang pamahalaan pero kung may mga isyu na kailangan ang kanyang pahayag ay makakapigil na sabihin ang mag ito sa publiko.

Nauna dito ay hinamon ni Robredo si Cayetano na batikusin ang pamahalaan dahil sa pagpayag na mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Bilang tugon ay sinabi ni Cayetano na mas maraming isyu na dapat tutukan ang pamahalaan kumpara sa usapin ng paglilibing kay Marcos.

Read more...