Alvarez, hindi tiyak kung dapat pang manatili sa supermajority ang LP
Hindi pa magkasundo sa ngayon ang mga ka-alyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara, kung dapat nga bang manatili ang Liberal Party (LP) sa supermajority.
Ito’y matapos ipahayag ni Vice President Leni Robredo ang pagiging handa niyang maging pinuno ng oposisyon.
“I don’t know with them,” ang naging sagot ni House Speaker Pantaleon Alvarez nang tanungin siya kung dapat bang manatili ang LP sa kowalisyon.
Aniya, bilang pinuno ng LP, may karapatan naman si Robredo na pag-isahin at pamunuan ang oposisyon.
Para naman kay Majority Leader Rodolfo Fariñas, ang dapat aniyang tanungin ay ang LP.
Gayunman aniya, hindi naman na kailangang magsagawa pa ng loyalty check sa mga miyembro ng LP na kabilang sa supermajority sa Kamara.
Ibinahagi pa ni Fariñas na kinumbida at dumalo pa siya sa Christmas party ng LP noong Miyerkules.
Naroon naman aniya sina dating Speaker Feliciano Belmonte Jr., Robredo at halos lahat ng miyembgo ng LP sa Kamara pero wala namang nag-banggit ng tungkol sa oposisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.