May mga na-detect na radiation sa seawater samples mula sa Tillamook Bay at Gold Beach mula sa nuclear disaster, pero nasa “extremely low levels” lang naman ito kaya hindi naman delikado sa mga tao o sa kalikasan.
Ayon sa Woods Hole Oceanographic Institution, nakuha ang mga samples noong nakaraang winter at saka inanalisa.
Maraming kontaminadong tubig ang nailabas mula sa nasirang nuclear plant sa Japan, kasunod ng 9.0 magnitude na lindol at tsunami noong March 2011.
Nagsagawa si Woods Hole chemical oceanographer Ken Buesseler ng crowdfunded, citizen-science seawater sampling project na nagta-track sa radiation plume habang tinatawid nito ang Pacific Ocean.