Radiation mula sa Fukushima, na-detect sa Oregon
Napag-alaman ng mga researchers na mayroong seaborne radiation mula sa Fukushima neclear disaster ng Japan ang na-detect sa Oregon.
May mga na-detect na radiation sa seawater samples mula sa Tillamook Bay at Gold Beach mula sa nuclear disaster, pero nasa “extremely low levels” lang naman ito kaya hindi naman delikado sa mga tao o sa kalikasan.
Ayon sa Woods Hole Oceanographic Institution, nakuha ang mga samples noong nakaraang winter at saka inanalisa.
Maraming kontaminadong tubig ang nailabas mula sa nasirang nuclear plant sa Japan, kasunod ng 9.0 magnitude na lindol at tsunami noong March 2011.
Nagsagawa si Woods Hole chemical oceanographer Ken Buesseler ng crowdfunded, citizen-science seawater sampling project na nagta-track sa radiation plume habang tinatawid nito ang Pacific Ocean.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.