Impeachment complaint laban kay Pres. Park, aprubado na ng Kongreso sa South Korea

By Len Montaño December 09, 2016 - 07:42 PM

south korea pres parkInaprubahan ng Kongreso sa South Korea ang impeachment complaint laban kay President Park Geun-Hye dahil sa kurapsyon.

Layon ng impeachment na matanggalan si Park ng executive power dahil sa umano’y katiwalian nito na naging mitsa ng malawakang protesta sa bansa.

Inilipat ng National Assembly ang authority ni Park sa prime minister habang wala pang desisyon ang Constitutional Court kung raratipikahan ang desisyon at permanenteng tanggalin ang pangulo sa pwesto.

Pwedeng umabot ng anim na buwan ang ruling kung kailan mananatili muna si Park sa Presidential Blue House.

Sa botong 234-56 ay nakuha ang required na two third votes ng mayorya ng tatlong daang miyembro ng chamber.

Matapos ang halos apat na taon sa pwesto ay nahaharap si Park sa posibilidad na maging unang South Korean president na napatalsik sa pwesto.

Nakasaad sa impechment motion ang umano’y paglabag ni Park gaya ng kabiguang maprotektahan ang buhay ng mga tao, bribery at abuse of power.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.