Hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group, arestado sa Basilan

By Mariel Cruz December 09, 2016 - 12:03 PM

basilanNaaresto ng mga tauhan ng Task Force Zamboanga ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Basilan gabi ng Huwebes.

Nakilala ang suspek na si Ahmad Adil, na kilala rin bilang Abdullah Zacaria at Abu Umbra.

Nahaharap si Adil sa kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa pagbihag sa mga empleyado ng Golden Harvest Plantation sa Basilan noong June 2001.

Pero itinanggi ni Adil na miyembro siya ng Abu Sayyf Group at hindi pa siya nagpupunta ng Sulu at Basilan.

Sinabi rin ni Adil na lumipat lamang ang kanyang pamilya sa Brgy. Mampang, Zamboanga City mula sa Zamboanga Sibugay.

Nagtatrabaho aniya siya sa isang public cemetery para sa mga Muslim sa Zamboanga City.

Dahil sa pagkakaaresto, nakatakdang dalhin si Adil sa Zamboanga City Jail mamayang hapon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.