Dating astronaut at US senator John Glenn, pumanaw na

john glenn astronautPumanaw na sa edad na 95 ang dating astronaut na si John Glenn, na kilala sa pagiging kauna-unahang Amerikanong naka-orbit sa Earth.

Kinilala rin si Glenn bilang national hero noong 1962 dahil sa naturang achievement bilang astronaut.

Si Glenn na isang dating Marine ay 24 taon ring nanilbihan bilang isang Democratic senator mula sa Ohio, at minsan ring tumakbo bilang pangulo noong 1984.

Ayon kay Hank Wilson ng John Glenn School of Public Affairs, pumanaw si Glenn Huwebes ng hapon sa James cancer hospital sa Columbus.

Kinumpirma rin ni Ohio governor John Kasich ang balita sa Twitter.

Si Glenn ang ikatlong US astronaut na naipadala sa space, at kauna-unahan sa kanila na maka-ikot sa orbit ng Earth.

Sa edad na 77, bumalik pa sa space si Glenn sakay ng space shuttle Discovery, dahilan para naman siya ay kilalanin bilang pinakamatandang taong ipinadala sa kalawakan.

Siya ang kahuli-hulihang survivor ng orihinal na Mercury 7 astronauts.

Read more...