Gabi-gabing pagpatay sa Pilipinas, laman muli ng New York Times

By Jay Dones December 09, 2016 - 04:30 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Muli na namang naging laman ng international publication ang gabi-gabing kaso ng pamamaril at pamamaslang sa Metro Manila at maging sa maraming bahagi ng bansa.

Sa New York Times, muling itnampok ang mga kaso ng pamamaril ng mga hinihinalang vigilante group at maging mga umano’y drug buy-bust operations ng mga otoridad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang naturang artikulo, na binuo ni New York Times journalist Daniel Berehulak, ay mainit na pinag-uusapan sa social media.

Sa naturang artikulo, laman ang mga larawan ng maraming mga biktima ng mga pagpatay at maging ang paghihinagpis ng mga kaanak ng mga ito.

Sa loob ng 37 ara na pagku-cover ng mamamahayag, naitala nito ang 57 kaso ng pagpatay.

Pahayag pa ni Berehulak sa kanyang artikulo, bagama’t nakapag-cover na siya ng iba’t-ibang kaganapan sa may 60 bansa tulad ng gyera sa Iraq at Afghanistan, ibang uri ng karahasan ang kanyang Nakita dito sa Pilipinas.

Sa loob lamang ng mahigit limang buwang panunungkulan ni Pangulong Duterte, nasa mahigit limang libo na ang napapatay na umano’y sangkot sa droga sa bansa.

Ang artikulo ni Berehulak ng New York Times ay mababasa rin sa edisyon ng Philippine Daily Inquirer ngayong araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.