Train cars ng LRT-1, muling nadagdagan

By Kabie Aenlle December 09, 2016 - 04:23 AM

 

lrt 30Halos 20 train cars na ang na-restore ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) pagdating ng katapusan ng Nobyembre.

Ayon sa LRMC, mula sa 77 na gumaganang train cars nang pangasiwaan nila ang LRT-1 noong Setyembre ng nakaraang taon, naiakyat na sila sa kabuuang 96 ang bilang ng mga tumatakbong light rail vehicles (LRV) ngayon.

Dahil dito, mas kaya na ng LRT-1 na magsakay ng mas maraming pasahero at makapagpatakbo ng hanggang sa 30 tren araw-araw.

Matatandaang ang LRMC na ang humawak sa operasyon ng LRT-1 mula noong nakaraang taon matapos mai-award sa kanila ang P65-bilyong halaga ng public-private partnership project para sa operation at maintenance nito.

Ginawa ng LRMC ang restoration ng mga LRVs habang hinihintay pa ang pagdating ng 120 bagong train cars para sa LRT-1 sa 2018.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.