Duterte, bibigyan ng tulong-legal ang mga pulis na dawit sa Espinosa slay

By Kabie Aenlle December 09, 2016 - 04:29 AM

 

espinosa albueraAayudahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ligal na pangangailangan ng mga pulis na nahaharap ngayon sa kasong murder dahil sa pagkakamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Ayon kay Philippine National Police chief Director Gen. Ronald dela Rosa, hahanap ng paraan ang pangulo para hindi mauwi sa kulungan ang mga nadawit na pulis.

Oras aniya na lumabas na ang warrant of arrest laban sa mga pulis, posibleng umapela ang pangulo sa korte na patawan ng mas mababang kaso ang mga ito mula sa murder, at gawin na lamang homicide para sila ay makapaglagak ng pyansa.

Hindi naman aniya ibig sabihin ng pangulo na hahayaan niyang makatakas o makapagtago ang mga naturang pulis upang hindi sila makulong.

Nais lang aniya iparating ni Duterte sa mga pulis na magkakatuwang sila sa digmaan kontra iligal na droga.

Nilinaw rin ni presidential communications assistant secretary Marie Banaag na tutulong ang pangulo sa mga pulis sa pamamagitan ng legal assistance.

Ayon pa kay Dela Rosa, maaring kabilang dito sa tulong na ito ang paghahanap ng abogado upang depensahan sina Supt. Marvin Marcos at iba pang mga opisyal ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8.

Aniya maari rin kasing ma-demoralize ang mga pulis kung aabandonahin sila ng pangulo sa ganitong sitwasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.