Jack Lam, babalik ng bansa para harapin ang mga pananagutan sa gobyerno
Nagpadala na ng feelers sa Pangulong Rodrigo Duterte ang Chinese gambling operator na si Jack Lam na babalik sa Pilipinas.
Sa ambush interview sa pangulo sa ground-breaking ng Bicol International Airport, sinabi nito na naawa umano si Lam sa mahigit anim na libong Filipino na kanyang mangggagawa sa online gaming na maaring mawalan ng trabaho dahil sa kanyang pagtakas sa pamahalaan.
Sinabi pa ng pangulo na nakahanda umano si Lam na i-settle ang kanyang mga obligasyon sa pamahalaan.
Base sa kontrata na nilagdaan ni Lam noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino, isang porsyentong buwis lamang ang binabayaran nito sa pamahalaan, taliwas sa ibang gambling oerpator na nagbabayad ng sampung porsyento.
Una rito, ipinag-utos ng pangulo sa Philippine National Police na arestuhin si Lam dahil sa economic sabotage at bribery.
Gayunman, bago pa ipinag-utos ng pangulo ang pag aresto, nakalabas na ng bansa si Lam noong nov 29 at nagtungo ng Hong Kong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.